Kit Thompson, naapektuhan sa maiinit na eksena kay Mylene Dizon?

ABS-CBN News

Posted at Aug 06 2019 06:01 PM

MAYNILA -- Wala daw naging pag-aalinlangan si Kit Thompson sa maiinit na eksena na kanilang ginawa ni Mylene Dizon sa "Belle Douleur."

Kuwento ni Kit, ibinigay lang niya ang hinihingi ng kanyang karakter para sa kanilang proyekto na bahagi ng 2019 Cinemalaya independent film festival.

Watch more in iWant or TFC.tv

"Kung trabaho, I wanna do the scene properly and I don't need those things to keep holding me back, lalo na when giving my performance for the movie," tugon ng aktor sa isang panayam.

Kung tatanungin naman kung naapektuhan ba siya sa ilang maselan na eksena nila ni Mylene Dizon, sagot ng aktor: "Alam mo, mahirap kasi malibugan 'pag maraming nakatingin e, parang nakaka-urong," aniya.

"Mahirap talaga... I have to get into the character, but at the same time of course, hindi ko mage-get rid 'yung voice na baka may nanunood," patuloy pa ni Kit.

At kung tatanungin kung masusundan pa ba ang kanyang pagtanggap ng sexy roles, pahayag ng aktor: "Depende talaga e. Hindi ko naman ini-aim na maging hot, or maging pa-sexy; it depends kasi kung anong requirements sa akin na susunod. Kung they require me na maging sexy, e 'di why not?"

Bukod sa "Belle Douleur," una nang nagpa-sexy ang aktor sa iWant Originals movie na "Momol Nights" kasama si Kim Molina.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.