Tambalang Kiara Takahasi at Gino Roque, mauuwi na nga ba sa totohanan?

ABS-CBN News

Posted at Aug 05 2019 06:58 PM

Tinanghal si Kiara Takahasi na second big placer sa "Pinoy Big Brother: Otso" grand finals night sa Imus, Cavite nitong Linggo. Michael Bagtas, ABS-CBN News

MAYNILA -- Tila mauuwi na sa matamis na pagtitinginan ngayon ang nabuong pagkakaibigan ng "Pinoy Big Brother: Otso" housemates na sina Gino Roque at Kiara Takahasi na tinanghal na second big placer.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Starhunt (@starhuntabscbn) on

Si Yamyam Gucong ang big winner ng "Pinoy Big Brother: Otso" sa grand finals night nito na ginawa sa Imus, Cavite nitong Linggo.

(Yamyam named 'PBB Otso' big winner)
https://news.abs-cbn.com/entertainment/08/04/19/yamyam-named-pbb-otso-big-winner

Sa panayam ng ABS-CBN News kay Kiara sa big night ng "PBB: Otso," isa sa pinasalamatan niya ang kapwa housemate na si Gino.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Starhunt (@starhuntabscbn) on

"Sobrang saya kasi sinusuportahan niya din ako and very grateful na nakilala ko din siya also and sobrang saya ko po," ani Kiara.

Dito, naitanong din sa kanya kung may pag-asa ba na matuloy sa totohanan ang kanilang pagtitinginan ni Gino.

"I don’t know what will happen, but sabi nga namin lagi, just go with the flow lang and we're both excited to see each other," aniya pa.

Aminado naman si Gino na hindi nagbabago ang espesyal na pagtingin niya para kay Kiara na nakilala niya sa loob ng Bahay ni Kuya.

"Sa akin the feelings are the same and sa (recent) interview niya, parang same pa din. Pero depende pa din after if the feelings are still mutual. I hope I can go on a second date with her," pahayag pa ni Gino.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.