PatrolPH

Vhong Navarro, may plano na bang magpakasal?

ABS-CBN News

Posted at Aug 05 2018 03:34 PM | Updated as of Aug 06 2018 08:30 PM

MAYNILA - Nagpahiwatig ang aktor at “Its Showtime” host na si Vhong Navarro na tila matutuloy na ang planong pagpapakasal niya sa kanyang longtime partner na si Tanya Winona Bautista.

Sa naging panayam ng entertainment press kay Vhong sa “Unli Life” presscon nitong Huwebes, naging matipid ang TV host sa pagbibigay detalye nang tanungin ito sa planong kasalan.

“’Yung ngiti ko na lang, basahin n’yo na lang ‘yung ngiti ko, (smiles)” tugon ni Vhong.

 

A post shared by tanya winona (@t.winona) on

Tikom din si Vhong nang patuloy na tanungin tungkol sa iba pang detalye gaya ng petsa at kung paano siya nag-propose sa kaniyang long time partner.

Watch more on iWant or iWantTFC

“Yung date, hindi pa puwede natin munang sabihin. Hindi ko pa rin pwedeng sabihin. Basta sinabi ko naman, siya na ‘yung forever ko, eh. Wala nang iba. Kung baga, bumubwelo na lang ako kung kelan,” pahayag ni Vhong sa press.

Ayon pa kay Vhong, nais din niya na isapribado ang kanyang kasal kung matutuloy na ito.

"Kasi, ‘yung girlfriend ko, hindi naman kasi siya showbiz e, hindi siya ‘yung maraming tao, gusto niya ‘yung talagang intimate, kami lang. Kung gusto niya nga, tatlo lang kami ng pari, gagawin namin,” pagbibiro pang pahayag ng “It’s Showtime” host.

Sa ngayon naghahanda muna si Vhong para sa nalalapit na pagbubukas ng Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) ngayong Agosto 15.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.