Anne Curtis at Erwan Heussaff, pupunta ng South Africa para sa honeymoon

ABS-CBN News

Posted at Aug 05 2018 12:30 PM | Updated as of Aug 05 2018 12:59 PM

MAYNILA-- Biyaheng South Africa ngayong darating na Nobyembre, ang aktres at “It’s Showtime” host na si Anne Curtis para sa unang honeymoon nila ng kabiyak na si Erwan Heussaff.

Matatandaan na Nobyembre 2017 nang ikasal si Anne sa restaurateur partner na si Heussaff sa Queenstown, New Zealand.

“We’re very excited because it will be a long leave kasi one year ‘di ba bago mag-honeymoon? Pinagbigyan niya ako don, so I’ll give this to him naman,” pahayag ni Anne sa “AnneKulit” concert press conference niya nitong Sabado ng gabi.

Sa kabila din ng busy schedule ngayon ni Anne, ito na raw ang perfect na pagkakataon para sa honeymoon.

“After this concert, I think mas kokonti na ‘yung schedule ko. It will be more on “Showtime” na lang muna ang hihingin ko. And then of course, we’re going our honeymoon in November. ‘Yun na talaga may time na ako for him. We’re going to South Africa,” sabi pa ni Anne.

 

A post shared by Anne Curtis (@annecurtissmith) on

“This year has been very crazy, yung schedule ko for BuyBust, Aurora, (AnneKulit) Concert, Showtime. Actually ka-text ko siya kanina and he’s saying na parang, ‘When will I get to have dinner with you? Just the two of us’ then sabi ko ‘Soon,’” pahayag pa ni Anne.

Sa ngayon, looking forward na si Anne para sa “AnneKulit: Promise Last Na’To” concert na magaganap ngayong Agosto 18, sa Araneta Coliseum.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.