KathNiel, malaki ang pasasalamat kay Moira

ABS-CBN News

Posted at Aug 04 2018 08:18 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Ilang linggo bago mag-showing ang inaabangang "The Hows of Us" ng tambalang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla (KathNiel), inilabas na ang theme song ng naturang pelikula

In-upload nitong Sabado ang music video ng "Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko" na inawit ni Moira Dela Torre, tampok pa ang ilang bonus clips ng movie.

Nagpasalamat ang KathNiel sa pagpayag ni Dela Torre na kantahin ang awitin para sa kanilang upcoming film. 

Excited naman si Padilla sa pag-premiere ng kanilang pelikula, na ipalalabas na sa Agosto 29. 

"Ginagawa natin lahat kasi excited na ko makita ito ng mga tao, excited na kaming ipalabas 'yan," wika niya. 

Trailer ng 'Goyo', inilabas na 

Watch more in iWant or TFC.tv

Matapos naman ang tagumpay ng "Heneral Luna" noong 2015, may bagong heneral nang ipapakilala at bibigyang-buhay ni Paulo Avelino sa big screen. 

Bibida si Avelino bilang "Goyo" o mas kilala bilang ang "Hero of Tirad Pass" na si Gregorio Del Pilar. 

Uulitin naman nina Epy Quizon at Mon Confiado ang kanilang mga papel sa "Heneral Luna" bilang sina Apolinario Mabini at Emilio Aguinaldo. 

Ayon sa produksiyon, tatlong taon ang ginugol para mabuo ang pelikulang ito, na ipalalabas na sa Setyembre 5. 

—Ulat ni MJ Felipe, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.