Gloc-9, nagbigay-pugay sa frontliners

ABS-CBN News

Posted at Aug 03 2020 12:12 PM

MAYNILA -- Nagbigay-pugay si Gloc-9 sa lahat ng frontliners na ibinubuwis ang kanilang buhay para labanan ang COVID-19.

Ito ay kasunod nang panawagan ng medical community na muling ibalik ang lockdown dahil sa mabilis na pagtaas ng kaso ng mga naapektuhan ng virus.

Sa Instagram nitong Lunes, binigyang-diin ni Gloc-9 ang galing at hirap ng mga Pinoy healthworker. Nag-aral ng kursong nursing si Gloc-9. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Aristotle Pollisco (@glocdash9) on

"Nakita ko mismo ang hirap at dedikasyon ng mga kababayan nating mga healthcare workers. Kaya naman pinag-aagawan sila sa buong mundo at itinuturing na isa sa pinakamahuhusay sa larangang ito. Napakarami kong natutunan sa kanila at alam ko din kung gaano sila kaingat hindi lang sa mga pasyente kundi para din sa mga mahal nila sa buhay na naghihintay sa kanilang mga tahanan," ani Gloc-9.

"Nasa inyo po ang aming taos pusong pasasalamat sa lahat ng inyong serbisyo at sakripisyo," dagdag niya.

Simula Agosto 4 hanggang Agosto 18 ay idineklara na sasailalim muli ang Metro Manila, Bulacan, Cavite, Rizal at Laguna sa modified enhanced community quarantine.

Karamihan sa mga kanta ni Gloc-9 ay sumasalamin sa totoong pangyayari sa buhay ng mga Filipino. Isa sa pinakasikat niyang awitin ay ang "Upuan" na inawit niya para sa isang online charity concert noong Marso.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.