PatrolPH

Alex Calleja, ipinaliwanag ang karanasan sa 'cobra cut'

ABS-CBN News

Posted at Aug 03 2018 04:32 PM | Updated as of Aug 03 2018 04:33 PM

Alex Calleja, ipinaliwanag ang karanasan sa 'cobra cut' 1

MANILA -- Panalo ang kalokohan ni Alex Calleja sa naging press conference para sa pelikulang "Unli Life" na pinagbibidahan ni Vhong Navarro.

Nitong Huwebes, lumabas ang makulit na hirit ni Alex nang matanong kung anong panahon ang nais nilang balikan.

Sagot ni Alex, nais niyang balikan ang panahon noong siya ay tinuli para ipaayos ang "cobra cut" na ginawa sa kanya ng doktor.

"Ako po doon sa panahon na tinuli ako. Ipapaayos ko kasi hindi maganda ang pagkakagupit, may natira pa. Seryoso talaga ako, kakausapin ko 'yung doktor na ayusin. Kasi alam niyo 'yung cobra cut? At that time, uso kasi 'yon," paliwanag ng komedyante. 

"Naku kung makikita niyo, hindi siya masyadong maganda," dagdag niya. 

Aniya, 1980s noong mauso ang "cobra cut" na tuli. 

"Ngayon, hindi na uso, medyo pangit na tingnan. Kung puwede lang sana, ipapalinis ko, aayusin ko talaga," hirit ni Alex.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.