Awra, mga bata ng 'Ang Probinsyano,' pinag-aaral ni Coco

ABS-CBN News

Posted at Aug 03 2017 12:09 PM

Labis-labis ang pasasalamat ng breakout child star na si Awra Briguela sa patuloy na suporta sa kanya ni Coco Martin.

Sinusuportahan ni Coco ang kanyang pag-aaral at ng iba pang bata ng "Ang Probinsyano."

Ayon kay Awra, importante raw sa kanyang kuya Coco ang edukasyon. Kaya subsob sila sa pag-aaral. 

Nagpapasalamat din si Awra dahil sobrang maalaga ang kanyang kuya Coco sa kanila. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.