PatrolPH

Geoff Eigenmann, naniniwalang 'perfect timing' ang muling pagsasama nila ni Maja

ABS-CBN News

Posted at Aug 02 2019 03:45 PM

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by RCD Narratives - ABS-CBN (@rcdnarratives_abscbn) on

MANILA -- Labis ang kasiyahan ni Geoff Eigenmann sa pinakabago niyang serye sa Kapamilya network kasama si Maja Salvador.

Bibida si Geoff kasama si Maja sa paparating na seryeng "The Killer Bride."

"Sobrang nakakataba ng puso kasi I've been away for a while and this is my first show [now that I'm] back. Tapos napakalaking show pa. Kasama ko pa 'yung mga napakalaking artista, ang laki ng cast namin. And to be paired with Maja," ani Geoff sa pagbisita nito sa "Magandang Buhay" nitong Biyernes.

Para kay Geoff, "perfect timing" ang muling pagsasama nila ni Maja.

Watch more on iWantTFC

"Mas mature na kami, mas marami na kaming maibibigay. At kahit hindi kami in real life, matatanggal namin 'yung cliche na dapat kayo talaga to make the love team work," paliwanag niya.

"We are very comfortable with each other, 'yung mga eksena na ginagawa namin get us to be really close but comfortable kami. At maganda ang reaction ng tao, may chemistry din naman. So I'm very happy about that."

Matatandaang nagkatrabaho na noon sa isang pelikula sina Maja at Geoff.

Makakasama rin nina Maja at Geoff sa "The Killer Bride" sina Janella Salvador, Joshua Garcia, at marami pang iba.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.