Kita ng jeans line ni Matteo, ido-donate sa mga batang bulag

ABS-CBN News

Posted at Aug 02 2018 08:50 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Sa gitna ng kaniyang hectic taping schedule sa "Bagani," naisingit pa ni Matteo Guidicelli na asikasuhin ang isang fashion project.

Nakipagtulungan si Guidicelli sa fashion designer na si Avel Bacudio para sa sarili niyang linya ng jeans o mga pantalong maong.

Ayon kay Guidicelli, porsiyento ng kikitain nila sa line na AVEL x MATTEO ay mapupunta sa isang paaralan para sa mga batang bulag sa La Trinidad, Benguet, na tinutulungan ni Bacudio.

"I hope after 'Bagani' we can go up to Baguio and visit these kids," sabi ni Guidicelli sa media conference ng jeans line. 

"These kids are kids that are abandoned by their parents at a very young age because they feel like the kids are hopeless and wala na silang buhay dahil bulag sila," aniya.

Kinumpirma rin ni Guidicelli ang mga ulat na pumunta sila ng nobyang si Sarah Geronimo sa Japan para ipagdiwang ang ika-30 kaarawan nito.

Iyon din ang unang beses nilang magbakasyon ni Geronimo na silang dalawa lang, ayon kay Guidicelli. 

Tumangging magbigay ng karagdagang detalye si Guidicelli sa bakasyon pero sinabing nag-enjoy naman sila rito ng nobya.

-- Ulat ni MJ Felipe, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.