MANILA -- Bukas ang aktor na si Jericho Rosales na muling makatrabaho ang ex na si Kristine Hermosa, sakaling bigyan ng pagkakataon.
Ayon kay Jericho, napanood niya si Kristine sa isang eksena sa "Bagani" at masaya siya sa muling pag-arte ng aktres sa telebisyon kahit naka-focus na si Kristine sa kanyang pamilya sa ngayon.
Abala si Jericho sa seryeng "Halik" kasama sina Sam Milby, Yen Santos at Yam Concepcion.
Matatandaang nakilala sina Jericho at Kristine sa seryeng "Pangako Sa 'Yo."