Mylene Dizon, nahirapan sa love scenes nila ni Kit Thompson

ABS-CBN News

Posted at Aug 01 2019 12:01 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Aminado ang aktres na si Mylene Dizon na nahirapan siya sa paggawa ng love scenes sa pelikulang "Belle Douleur."

Ayon kay Mylene, iniisip na lang niya na bahagi ito ng kanyang trabaho kaya pinilit niyang tapusin ang love scenes nila ni Kit Thompson.

May mga pagkakataon din umano na na-intimidate sa kanya si Kit dahil mabilis siyang magtrabaho.

May-December love affair ang tema ng pelikula na kalahok sa 15th Cinemalaya Independent Film Festival.

-- Umagang Kay Ganda, Agosto 1, 2019

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.