Geoff Eigenmann, ibinahagi ang hilig sa jiu-jitsu

ABS-CBN News

Posted at Aug 01 2016 11:49 AM

Maliban sa acting, gumagawa din ngayon ng pangalan sa larangan ng jiu-jitsu ang aktor na si Geoff Eigenmann.

Sa kanyang pagbisita sa "Magandang Buhay" nitong Lunes, ibinahagi ni Geoff kung paano nagsimula ang kanyang hilig sa nasabing martial art na sinimulan niya tatlong taon na ang nakakaraan.

"Hindi ka sumusuntok, hindi ka sumisipa, lahat ng ginagawa niyo on the ground. Nagsisimmula kayo nakatayo pero ang laban ay nasa sahig kayo, gumugulong-gulong kayo sa sahig basically," ani Geoff.

"Nagsimula ako white belt tapos tinuloy-tuloy ko 'yon, halos araw-araw. Last year ako na promote to my blue belt," dagdag ng aktor.

Ayon sa aktor nakahiligan niya ang jiu-jitsu mula ng lumabas ang Ultimate Fighting Championship (UFC).

"Yung jiu-jitsu hindi siya malaki dito (sa Pilipinas). It wasn't a big sport. Nung nakita ko na mayroon dito, since gusto kong masubukan, I jumped in tapos tinuloy-tuloy ko na siya ever since. As in, actively competing ako, sumasali ako sa mga tournament," aniya.

Nito lamang Mayo ay nakuha ni Geoff ang pangalawang pwesto sa isang jiu-jitsu competition.

Para sa "Magandang Buhay" nagpakita ng ilang basic techniques si Geoff ng jiu-jitsu.

Ang nagbabalik Kapamilya na si Geoff ay bahagi ngayon ng seryeng "Be My Lady."

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.