Rosanna Roces, namaalam na sa 'Los Bastardos'

ABS-CBN News

Posted at Jul 31 2019 12:33 PM

MAYNILA -- Matapos ang halos isang taon, namaalam na si Rosanna Roces sa Kapamilya serye na "Los Bastardos" kung saan nakilala siya ng mga manonood bilang si Irma.

Watch more in iWant or TFC.tv

Ito ang maituturing na pagbabalik-telebisyon ni Osang matapos ang kanyang mahabang pahinga sa showbiz.

Sa Instagram, pinasalamatan ng aktres ang lahat ng bumubuo ng programa na itinuring na niyang pangalawang pamilya.

"At dun na po nagtatapos ang role na ginampanan namin ni Efren Reyes bilang Irma at Bert, ang mga magulang ni Isagani Esperanza. Maraming salamat sa lahat ng aming nakasama, nakatrabaho, mga naging bahagi ng aming buhay sa loob ng halos isang taon. Miss ko na agad kayo lahat," ani aktres sa post.

Dito, pinasalamatan din ng aktres si Ruel S. Bayani na naging susi sa pagbubukas ng bagong oportunidad sa kanyang karera.

"Maraming maraming salamat sa pagtitiwala at paniniwala sa aking kakayahan. Ibinangon mo ang pagkatao ko, 'di kita bibiguin at 'di kita bibigyan ng pagkakataong magtampo. Ulit, maraming salamat sa inyong lahat," pahayag pa ng aktres.

Matapos ang "Los Bastardos," inaasahan na magiging bahagi ang aktres sa isang proyekto kasama naman si JM De Guzman.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.