Maria Makiling, planong ituloy ni Nadine Lustre

ABS-CBN News

Posted at Jul 31 2019 07:02 PM | Updated as of Jul 31 2019 07:24 PM

MAYNILA -- Matapos ang naging pagbibitiw ni James Reid bilang Pedro Penduko, nanatili naman na intresado ang nobya niyang si Nadine Lustre na bigyang buhay ang karakter ni Maria Makiling.

Matatandaan na isa ang "Maria Makiling" sa mga nakalatag na proyekto ng Epik Studios na bigyang buhay ang iba't ibang Pinoy mythological heroes.

Watch more in iWant or TFC.tv

"Ako, gusto ko pa din po siya gawin, sayang naman din po kasi. It's a good project, it's a good material like what I was saying," sabi ng aktres sa panayam ng ABS-CBN News.

"'Yung Pedro (Penduko) kasi, as of now, wala pang updates, baka late this year na po 'yun or maybe even next year na po siya matuloy, pero we'll see," sabi pa niya.

Aniya, nanatili siyang bukas sa posibilidad na ituloy ito sa kabila ng pag-urong ng kanyang nobyo sa Pedro Penduko dahil sa inury.

"Ako po, I'm really down to do Maria Maikiling. At saka matagal na din po kasi 'yun naka-ready," pahayag ni Nadine.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.