Angel Locsin at Dimples Romana, may friendship post para sa isa't isa

ABS-CBN News

Posted at Jul 31 2019 11:55 AM

MAYNILA -- Binati ng aktres na si Angel Locsin ang kanyang matalik na kaibigan na si Dimples Romana ngayong International Friendship Day.

Sa Instagram nitong Miyerkoles, ibinahagi ni Angel, bida ng "The General's Daughter," ang kanyang espesyal na mensahe sa kaibigang si Dimples na kilala ngayon bilang si Daniela Mondragon ng seryeng "Kadenang Ginto."

"Got your back, mars. Always," ani Angel sa caption.

Sa post naman ni Dimples, nagpasalamat ito sa naging pagbisita ni Angel sa set ng"Kadenang Ginto."

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.