SILIPIN: Bakasyon nina Coco, Yassi, Yeng, Maymay sa London

ABS-CBN News

Posted at Jul 31 2018 05:31 PM

Balik-trabaho na ang mga Kapamilya stars matapos magpasaya sa 34th Barrio Fiesta event sa London na ginanap mula Hulyo 21 hanggang 22, at pinangunahan ng "Ang Probinsyano" cast.

Ayon kay Coco Martin, ang pag-extend niya sa London ay ang pinakamahabang bakasyon na niya sa loob ng tatlong taon. 

 

A post shared by Yassi Pressman (@yassipressman) on

Ilang araw din siyang nag-ikot kasama ang ibang artista, katulad ni Yassi Pressman, sa iconic landmarks tulad ng Buckingham Palace, London Eye, at Lavender Fields. 

 

A post shared by Yassi Pressman (@yassipressman) on

Pagkatapos ng gig sa Barrio Fiesta, sumunod naman sa London ang mister ni Yeng Constantino na si Yan Asuncion .

Dahil Beatles fans ang mag-asawa, number one sa listahan nilang puntahan ang Abbey Road at iba pang iconic spots tulad ng Windsor Castle.

 

A post shared by Yeng Constantino (@yeng) on

“Nag-extend talaga ako...Fan siya ng Beatles so we are going to go to Abbey Road,” ani Constantino. 

Umaasa naman ang mag-asawa na magkaka-baby sila matapos ang tila honeymoon sa London.

“Lagi po naming pinag-pray everytime umaalis kami ng bansa...We hope this time, this time mabuntis na ako," hiling ng singer. 

Kuwela rin ang mga social media post ni Maymay Entrata sa advetures nila ng katambal na si Edward Barber sa London.

 

A post shared by MayMay Entrata (@maymay) on

Aminado ang love team na di nila inaasahan ang suporta ng mga Pinoy sa London. 

“Ang saya saya ko kasi ang dami kong natutunan dito at panibagong experience na naman," ani Entrata. 

 —Ulat ni Rose Eclarinal, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.