Jaya, may mensahe sa mga na-'gong' sa 'Tawag ng Tanghalan'

ABS-CBN News

Posted at Jul 31 2018 04:21 PM

Nagbigay pahayag si Jaya tungkol sa mga negatibong komento na ibinabato sa kanya ng mga netizen dahil sa kanyang mga nasabi sa “Tawag ng Tanghalan” sa “It's Showtime.”

Isa si Jaya sa mga regular na hurado sa “Tawag ng Tanghalan” na minsang pinuna ng mga bashers dahil sa kanyang pag-gong sa ilan sa mga contestants.

“Doon sa mga contenders na medyo nagagalit, alam ninyo 'yung journey na 'yan, napakasarap, lasapin ninyo 'yan, tandaan ninyo 'yung mga sakit na nararamdaman ninyo, whether from me or from other hurados,” ani Jaya.

“Kasi for me, 'yan ang magpapagaling sa inyo, 'yan ang magpapalakas. Magkakaroon kayo ng bagong idea kung ano ba dapat ang gagawin niyo,” dagdag pa ni Jaya.

Ayon sa OPM singer, dumarating na sa personalan ang mga nagiging komento sa kanya sa social media.

“Actually ang daming masasamang salita, personal na, pero I can never hate you because the mere fact that you’re participating sa Twitter, and other social media platforms, you’re elevating me,” paliwanag pa niya.

Ganun pa man, positibo pa rin si Jaya sa pagbibigay payo sa “Tawag ng Tanghalan" contestants sa kabila ng mga negatibong buwelta laban sa kanya.

“Just enjoy the journey, maging humble lang kayo. Tandaan ninyo, kami din nanggaling sa wala. Marami sa amin galing sa wala. Kung paano mo 'yan maalagaan? Just be humble and thankful,” pahayag pa ni Jaya.

Sa ngayon abala si Jaya sa paghahanda sa kanyang concert na “SoulJa” kasama sila Jason Dy at si Jay R sa Newport Performing Arts Theater ng Resorts World Manila.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.