Maja Salvador, may mensahe para sa kaarawan ng kanyang nobyo

ABS-CBN News

Posted at Jul 30 2019 12:30 PM | Updated as of Jul 30 2019 01:19 PM

MANILA -- Pangako ng pag-ibig hanggang pagtanda ang mensahe ni Maja Salvador sa nobyong si Rambo Nuñez na nagdiwang ng kanyang kaarawan.

Ibinahagi ito ni Maja sa kanyang post sa Instagram nitong Linggo.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by MAJA (@iammajasalvador) on

"Darating 'yung panahon na matanda at bungi-bungi na tayo... 'pag dumating na 'yun ipapagdadasal ko na ikaw pa rin ang nasa tabi ko... Maligayang kaarawan my love," ani Maja.

Nagpasalamat din ang aktres sa muling pagbalik ng nobyo sa kanyang buhay.

"Masaya ang puso ko... salamat bumalik ka... gawin natin ang lahat lahat para hindi na tayo mawalay sa isa’t isa. Mahal na kahal kita," dagdag ng aktres.

Nitong Marso ay kinumpirma ni Maja ang balitang nagkabalikan sila ni Rambo, siyam na taon matapos silang maghiwalay.

Samantala, muling bibida si Maja sa isang bagong serye ng ABS-CBN na "The Killer Bride" kung saan makakasama niya sina Janella Salvador, Geoff Eigenmann at Joshua Garcia.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.