Lea Salonga, ibinahagi ang pamantayan niya sa 'Voice Kids'

ABS-CBN News

Posted at Jul 30 2019 07:22 PM | Updated as of Jul 30 2019 08:19 PM

MAYNILA -- Sa muling pag-arangkada ng "The Voice Kids" ngayong Agosto, hinayag ng isa sa mga coach nito na si Lea Salonga ang mga hinahanap niyang katangian sa bagong edisyon ng Kapamilya program.

Watch more in iWant or TFC.tv

Sa panayam kay Lea para sa kanyang "Perfect Ten" concert, isa lang ang naging payo niya sa mga gustong sumabak sa "The Voice Kids."

"'Yung marunong kumanta," diretsong sagot ni Lea. "Kaya 'pag di marunong kumanta, you don't have to apply."

Paliwanag ni Lea, boses lang ang tanging puhunan sa bawat edisyon ng "The Voice."

"Here's the thing: We will turn for your voice, that's the only basis, the only way you can get in to the show. Do you have a voice?," aniya.

Dagdag pa ni Lea, hindi importante sa "The Voice" ang pisikal na anyo ng mga gusto sumabak sa blind auditions. 

"We don't know kung maganda, pangit, pandak, matangkad, naka-wheelchair, naka-crutches, we know nothing. The only thing we know is they can sing, and if it makes us palpitate, the kind that makes your soul want to explode in happiness, then we turn," paliwanag pa ni Lea.

Malayo din daw ang pagkakaiba ng "The Voice" sa katatapos lang na "Idol Philippines."

"In our case, here's the talent and when you turn around, you hope that it's something naman the public will enjoy," pahayag pa ni Lea. 

Kasabay ng pagsisimula ng "The Voice Kids" ngayong Agosto 3, tutok din si Lea sa kanyang "Perfect Ten" concert sa Newport Performing Arts Theater ng Resorts World Manila ngayong Agosto 30 at 31.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.