'Idol PH' finalists, planong tulungan ni James Reid

ABS-CBN News

Posted at Jul 30 2019 07:14 PM | Updated as of Jul 30 2019 07:51 PM

MAYNILA -- Kasunod ng matagumpay na "Idol Philippines," tila isang awitin ang naghihintay para sa mga naging finalist ng katatapos lang na Kapamilya singing search.

Ayon kay James Reid na aktibo ngayon sa kanyang music label, nasa plano na ang pagpo-produce niya ng awitin para sa ilan sa mga naging bahagi ng "Idol Philippines".

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Careless Music Manila (@careless.music.manila) on

"I plan to help some of the Top 5 with music," sabi ni James sa panayam ng entertainment press.

At bilang bahagi ng mga hurado, masaya din daw siya sa pagkapanalo ni Zephanie Dimaranan na itinanghal bilang unang winner ng "Idol Philippines."

"I think she's really deserving and we're all really happy about it and how it turned out. Actually for me, they're all already idols and there could only be really one," paliwanag ni James.

Iba-iba man daw ang naging choice ng mga hurado, naniniwala si James na may magandang kinabukasan na ang naghihintay sa mga naging finalist ng "Idol Philippines,"

"For me the Top 5, I can see them having a long career in showbiz," pahayag pa niya.

Sa ngayon, plano muna ipagpatuloy ni James ang pagsusulat ng awitin para sa kanyang binubuong album.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.