'Dapat may pasabog': Coco, Vic, Maine, naghahanda sa shooting ng MMFF movie

ABS-CBN News

Posted at Jul 30 2018 09:53 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Naghahanda na raw sina Coco Martin, Vic Soto, at Maine Mendoza para sa shooting ng kanilang pelikula na kalahok sa Metro Manila Film Festival (MMFF). 

Pagbibidahan nila ang pelikulang "Jack Em Poy: The PulisCredibles" na halaw sa kabayanihan ng pulisya.

"Dapat mayroon tayong pasabog na 'di pa nila nakikita at 'di nila naiisip na gagawin natin, [dahil] kumbaga andito na tayo, [at] minsan lang mangyayari ito," ani Martin sa ginanap sa story conference ng pelikula.

"[Pinagsamang] action comedy, drama, ibig sabihin gusto namin may pitik, 'yong hindi ka lang basta nanonood, na-touch ka," dagdag niya.

Nagsimula na rin magsanay si Mendoza na gaganap din bilang pulis.

"Nag-start na ako ng firing lessons," saad ni Mendoza.

Hindi naman napigilang tumawa ng tatlong artista nang mapag-usapan ang budget na inilaan sa pelikula.

"[Si] Coco Martin meron, small budget? Kailangan big budget," natatawang sabi ni Sotto.

Kasama rin sa pelikula sina Arjo Atayde, Ryza Cenon, Cherry Pie Picache, Tirso Cruz III, at iba pa.

— Ulat ni Mario Dumaual, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.