Darren Espanto? Cassy Legaspi gusto ang matangkad at singkit na singer-dancer

ABS-CBN News

Posted at Jul 29 2021 04:48 PM

Darren Espanto? Cassy Legaspi gusto ang matangkad at singkit na singer-dancer 1
Mula sa Instagram account nina Darren Espanto at Cassy Legaspi

Lalong lumakas ang usap-usapan sa pagkakamabutihan nina Darren Espanto at Cassy Legaspi nang inilirawan ng batang aktres ang mga tipo niya sa isang lalaki na tila tugma sa katangian ng Kapamilya performer.

Sa KUMU livestream, nakipagkulitan sina Legaspi at kaibigan nitong si Kyle Echarri sa blockbuster director na si Cathy Garcia Molina. 

Ngunit lalong nabuhay ang kanilang pag-uusap nang tawagan ni Molina si Espanto na nauugnay na sa anak nina Carmina Villaroel at Zoren Legaspi.

Ikinagulat ni Cassy ang biglang paglabas ni Espanto sa kaniyang screen na sinundan pa ng panunukso ni Echarri sa dalawa. 

Sa nasabing stream, naglaro pa sina Molina at Legaspi ng “fast talk” kung saan ilan sa tanong niya ay tungkol sa mga katangiang hinahanap sa isang tao. 

Base sa mga sagot ng batang artista, mas nais niya ang mga tisoy, singer-dancer, singkit, matangkad, seryoso at palabiro rin -- mga bagay na makikita umano kay Darren, ayon sa “Huwag Kang Mangamba” star na si Echarri. 

“Meant to be,” mabilis na singit ni Echarri sa tanungan. 

Hindi pa natigil si Echarri sa panunukso at sinabing kinilig si Espanto sa mga sinabi ni Legaspi dahil bigla itong nawala sa video call. 

“Masyado siyang kinilig. Na-realize niya lahat ng sagot ni Cassy papunta sa kanya -- matangkad, singer, dancer, palabiro, at saka seryoso,” dagdag pa ni Echarri. 

Bigla namang nakisali panandalian ang ina ni Cassy na biniro pa ang anak na ganoon din ang tipo niya at nakita niya ito sa asawa.

“Anak nga kita,” hirit ni Villaroel. 

Sa huli, nilinaw naman ni Legaspi na hindi lamang panlabas na anyo ng isang tao ang kaniyang tinitingnan.

Related videos:

Watch more on iWantTFC
Watch more on iWantTFC
Watch more on iWantTFC