Lucas Garcia, nakamit ang pangarap sa 'Idol PH'

ABS-CBN News

Posted at Jul 29 2019 03:12 PM | Updated as of Jul 29 2019 04:14 PM

Lucas Garcia performs "Because You Believed." Michael Bagtas, ABS-CBN News

MAYNILA -- Hindi man naiuwi ang titulo bilang unang "Idol Philippines" winner, masaya pa rin si Lucas Garcia sa kanyang naging performance sa huling gabi ng Kapamilya singing search.

"Sobrang happy na ako kasi dati back-up contender lang ako. 'Pag may nag-back out sa audition doon lang ako papasok. Pero ngayon kasama ako sa top 3 kaya sobrang overhelming," ani Lucas sa panayam ng ABS-CBN News.

Wala rin daw naging panghihinayang ang "Idol Philippines" finalist sa kanyang naging laban.

Watch more in iWant or TFC.tv

Aniya, isa lang ang naging pangarap niya sa pagsali sa Kapamilya singing search. 

"Hindi na din naman ako nag-expect ng bongga, nag-expect ako ng very light, pero hindi bonggang-bongga. Super happy na ako dito. Feeling ko naman 'yun lang ang pangarap ko, ang makilala sa buong Pilipinas at sa mundo as openly gay singer at nakamit ko na 'yun," pahayag pa ni Lucas.

Matapos ang "Idol Philippines," patuloy na umaasa si Lucas na mas marami pa ang tumanggap sa kanya bilang mang-aawit.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.