Kris Aquino, wish makasama sa proyekto si Empoy Marquez

ABS-CBN News

Posted at Jul 29 2019 04:34 PM

MAYNILA -- Tila muling nanumbalik kay Kris Aquino ang mga alaala ng kanyang dating kapareha na si Rene Requiestas na kanyang nakasama noon sa pelikulang "Pido Dida."

Kasunod ito ng isang TV commercial shoot kung saan nakasama naman ng aktres ang komedyanteng si Empoy Marquez.

Sa Instagram post ni Kris, ibinahagi niya tila parehong chemistry ang kanyang naramdaman habang kasama si Empoy.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Kris Aquino (@krisaquino) on

"Nakaramdam ako ng on-screen chemistry with you, pareho nung magic na meron kami ni Rene Requiestas 29 years ago ('Pido Dido' was shown Sept. 13, 1990 -- unreal)," ani Kris sa post.

Hiling pa ni Kris: "Sana, sa 30th anniversary nung first movie ko, makatambal kita. Kinuwento ko na sa 'yo 'yung concept na sinulat ko kagabi and after today's shoot, I believe it can work," dagdag pa ni Kris.

Sa ngayon, isang horror movie para sa 2019 Metro Manila Film Festival ang nakatakdang gawin ni Kris kasama si Derek Ramsay.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.