'Idol PH' winner Zephanie Dimaranan, susunod sa yapak ni Sarah Geronimo?

Kiko Escuadro, ABS-CBN News

Posted at Jul 29 2019 03:06 PM | Updated as of Jul 29 2019 08:20 PM

Zephanie Dimaranan performs "Maghintay Ka Lamang." Michael Bagtas, ABS-CBN News

MAYNILA -- Abot langit na saya ang naramdaman ni Zephanie Dimaranan bilang kauna-unahang kampeon ng "Idol Philippines" nitong Linggo.

"Hindi po ako makapaniwala. Sobrang saya ko po and sobrang thankful po ako kay Lord kasi finally naabot ko na po ang dream ko, kaya maraming maraming salamat po lahat ng sumuporta sa akin, simula po noon hanggang ngayon. Maraming maraming salamat po, para sa inyong lahat, para po sa inyo ito," tugon ni Zephanie sa panayam.

Watch more in iWant or TFC.tv

Matatandaan na bago pa man ang "Idol Philippines," naging bahagi na si Zephanie ng ilang Kapamilya singing search tulad ng "The Voice Kids" at "Tawag Ng Tanghalan" sa "It's Showtime."

Kaya naman, para kay Zephanie sulit ang lahat ng kanyang naging pinagdaanan.

"Sobrang worth it po lahat ng pagod ko, lahat po nang ginawa kong mga training para po dito. And ngayon, sobrang natutuwa po ako na binigay po sa 'kin ni Lord 'to," aniya.

Dito, nagbigay pahayag din ang "Idol Philippines" champion sa mga nagsasabi na siya ang bagong Sarah Geronimo.

Watch more in iWant or TFC.tv

"Masaya po ako kasi si Ms. Sarah [Geronimo] po ay isa po sa mga idol ko and influence ko po noong bata pa lang ako. Kaya natutuwa po ako na nakikita po nila 'yung naging influence ko po, nakikita po nila sa akin," pahayag niya.

Alay ni Zephanie ang kanyang mga nakuhang premyo para sa kanyang pamilya at sa kinabukasan nila ng kanyang mga kapatid.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.