Ejay Falcon, nagbigay patikim sa kanyang bagong teleserye

ABS-CBN News

Posted at Jul 29 2019 04:30 PM

MAYNILA -- Labis na pananabik na ang nararamdaman ni Ejay Falcon sa inaabangan na pagsisimula ng kanyang pagbabalik-teleserye.

Isa si Ejay sa mga magiging bahagi ng "Sandugo" kung saan makakasama niya sina Aljur Abrenica at Elisse Joson.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by FALCON (@ejaythefalcon) on

"Ang sabi sa amin, malapit na daw. Bigyan na lang natin ng kaunting kaunti na lang na panahon. Ngayon nagte-taping pa din kami,” kuwento ni Ejay sa panayam ng press sa kanyang bagong endorsement.

Ayon sa aktor, mapapasabak siya sa aksyon sa "Sandugo."

"Isa siyang family action drama na tumatalakay sa kuwento ng pamilya, mga nangyayari sa bansa natin sa kasalukuyan," aniya pa.

Dahil sa ilang maaksyong eksena ng proyekto, doble ingat din daw ang buong programa sa mga ipinapagawa sa kanila.

"Sa ngayon, wala pa naman. Sana kahit maaksyon, wala talagang maging aberya sa atin naman. Lagi talagang andiyan ang medic kung sakali man na may hindi magandang mangyari," pahayag pa ng aktor.

Inaasahan na bago magtapos ang 2019, mapapanood ang "Sandugo" sa Kapamilya network.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.