Vic Sotto posible nga ba mapanood sa 'Ang Probinsyano'?

ABS-CBN News

Posted at Jul 29 2018 06:56 PM

MAYNILA -- Sanib pwersa ngayong 2018 Metro Manila Film Festival (MMFF) sina Vic Sotto at Coco Martin para sa kanilang entry na “Jak Em Popoy, The Pulis Credibles."

Sa panayam sa entertainment press sa naganap na story conference nitong Sabado, aminado si Vic na posible ang pagtawid ni Coco sa "Eat Bulaga" para i-promote ang kanilang pelikula.

“Palagay ko naman (posible),” ani Vic sa ambush interview entertainment press.

Kung posible ang pagtawid ni Coco Martin sa “Eat Bulaga” willing din daw siya na mag-guest sa hit primetime Kapamilya series na “Ang Probinsyano” ni Coco.

“Aba bakit hindi? (sabay tawa). Wala naman problema sa 'kin. Kaibigan ko lahat ng istasyon, lahat ng networks, I can work with any,” sabi pa ni Vic.

Bukod kay Coco at Vic, kasama din sa 2018 MMFF entry si Maine Mendoza, at ilan pang mga Kapamilya stars.