KathNiel movie trailer, 3M views agad

ABS-CBN News

Posted at Jul 29 2018 09:14 PM | Updated as of Jul 29 2018 10:31 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

May tatlong nakakaintriga, misteryoso, at nakakakilig na pelikula na pagbibidahan ng Kapamilya stars sa darating na Agosto.

The Hows of Us (Daniel Padilla and Kathryn Bernardo)

Nag-viral ang unang movie trailer nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa darating nilang pelikulang pinamagatang "The Hows of Us."

Tungkol ito sa magkasintahang nasa long-term relationship na nagpaplano ng kanilang kinabukasan.

Naka-3 milyong views ang unang trailer nito na inilabas sa social media kahapon. Ilalabas ang pelikula sa Agosto 29.

Harry and Patty (Ahron Villena at Kakai Bautista)

Ilang buwan na ang nakalipas matapos ang hidwaan nina Ahron Villena at Kakai Bautista.

Pero past is past, kaya kaabang-abang ang kanilang bagong pelikula, na una ring lead movie ni Bautista.

Ipapalabas ang "Harry and Patty" sa mga pelikula sa Agosto 1.

Miss Granny (Sarah Geronimo at James Reid)

Bibida naman sina Sarah Geronimo sa 2014 adaptation ng South Korean Blockbuster na pinamagatang "Miss Granny."

Tungkol ito sa isang lola na si Fely (Sarah Geronimo) na nagbalik sa pagkabata matapos magpa-picture sa isang studio. Tunghayan ang pagbasag niya sa maangas na rock band ni James Reid sa pelikula.

Mapapanood ang kauna-unahang musical movie ni Sarah G sa Agosto 22.

 -- Ulat ni Marc Logan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.