Yassi Pressman, sasabak sa aksyon sa bagong pelikula

ABS-CBN News

Posted at Jul 28 2019 12:14 PM

MAYNILA -- Kasabay ng gabi-gabing aksyon sa "Ang Probinsyano," isang maaksyong pelikula din ang nakatakdang tapusin ngayon ng aktres na si Yassi Pressman.

Kuwento ng "Ang Probinsyano" star, pang-international ang susunod na proyekto na kanyang pagbibidahan kung saan foreign producers ang kanyang mga makaka-trabaho.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Yassi Pressman (@yassipressman) on

"Mayroon po akong isang pelikula na isang binabasa, and we're also training and meeting with the producers of 'Born Ready,'" sabi ni Yassi sa panayam ng press.

Ayon pa sa Kapamilya star, noong 2018 pa sana ito naipalabas, ngunit dahil sa kanyang papel sa "Ang Probinsyano" naurong na ito.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Yassi Pressman (@yassipressman) on

"Mayroon po kaming ginawang trailer a year ago, they're all foreign so kung matutuloy po, mag-shoot po kami sa Tondo. Lock-in kami doon hanggang matapos ang movie hopefully this year," ani Yassi.

Sa ngayon, patuloy na napapanod si Yassi bilang si Alyana Arevalo sa "Ang Probinsyano."

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.