Sharon Cuneta at Regine Velasquez concert, kasado na

ABS-CBN News

Posted at Jul 28 2019 12:49 PM

MAYNILA -- Tuloy na tuloy na ang inaabangang pagsasama sa isang concert stage nina Sharon Cuneta at Regine Velasquez.

Sa Instagram, ibinahagi na ng dalawang batikang mang-aawit ang ilang detalye para sa kanilang two-night concert na pinamagatang "Iconic" na gaganapin sa Smart Araneta Coliseum sa Oktubre 18 at 19.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by reginevalcasid (@reginevalcasid) on

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by ActorSingerPresenter (@reallysharoncuneta) on

Ito ang unang beses na magsasama sa isang entablado si Sharon at Regine kaya naman dream come true ito para kay Sharon.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by ActorSingerPresenter (@reallysharoncuneta) on

"Sharing the same stage with this woman has been a dream of mine. She is the very best and not just in singing but as a person. God has blessed us both with this new friendship, and now, these concerts!" bahagi pa ng post ni Sharon.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.