Mas mature na 'KathNiel', bibida sa 'The Hows of Us'

Fay Virrey, ABS-CBN News

Posted at Jul 28 2018 06:59 PM | Updated as of Jul 29 2018 04:48 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

MENDEZ, Cavite - Kung dati ay pagpapatawa at pagpapakilig ang hatid nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, sa bago nilang pelikula ay mas mabigat na pag-arte na ang ihahain ng tambalang KathNiel para sa mga manonood.

"I am very happy for the two. Matagal nang hinihingan ako ng mga fans na something different, level up ganiyan, and more mature roles," sabi ni Cathy Garcia-Molina, ang direktor ng "The Hows of Us", ang bagong pelikula nina Kathryn at Daniel.

Ayon naman sa KathNiel, talagang layon nilang magbigay ng panibagong klase ng pag-arte para sa kanilang mga fans.

"'Yun naman talaga ang goal namin na iba-iba siya," sabi ni Kathryn. 

Para naman kay Daniel ay dapat mas abangan ang kuwento ng bago nilang pelikula.

"Actually yung mismong storya, yung mismong laman, ang core ng pelikula na 'to is 'yun 'yung kailangan nilang abangan," sabi ni Daniel.

Ipapalabas ang "The Hows of Us" sa Agosto 29.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.