Pag-ibig o karera? Narito ang sagot nina Kathryn, Alden, Direk Cathy

Jeff Fernando, ABS-CBN News

Posted at Jul 26 2019 05:54 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Sa nakaraang bloggers' conference para sa pelikulang "Hello, Love, Goodbye," nakatuwaang itanong sa lead cast ng pelikula kung ano ang mas mahalaga at pipiliin: karera o pag-ibig?

Naunang sumagot si Alden na nagsabing bigyang-halaga ang career, pero piliin ang "true love" kapag natagpuan na ito.
 
"Bigyan ko rin kasi ng same meaning 'yung career at pangarap kasi 'yung pinapangarap mo, 'yun ang gusto mong maging career, di ba? When you say love naman, ilagay na natin siya sa aspeto ng true love. Kung true love ang nandiyan, siyempre minsan lang siya. And when you say true love, ito ang makikita mo na makakasama mo nang pangmatagalan," aniya.
 
Si Kathryn naman, proud na balanse ang personal na buhay at career sa ngayon.
 
"Siyempre kung personally love, love ako. Kasi tama si Alden eh, kasi kung nandiyan na, minsan lang 'yan eh. Kung career, okay naman. Pero kung walang love, ang lungkot namang mabuhay nang ganun, di ba? Pero ngayon napatunayan ko, ang suwerte ko na mayroon ako pareho ngayon," aniya.
 
Pinaka-applauded naman ang sagot ni direk Cathy Garcia-Molina na hindi na nagtagal sa kanyang pagpili sa career o love life.

"Ako, obviously, I will choose love," aniya.

Ipapalabas ang "Hello, Love, Goodbye" sa Hulyo 31.
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.