'I'm moving forward': Bea Alonzo, nagsalita sa gitna ng kontrobersiya

ABS-CBN News

Posted at Jul 26 2019 02:16 PM

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by bea alonzo (@beaalonzo) on

MANILA -- Tutok sa kanyang trabaho si Bea Alonzo sa gitna ng kontrobersiya.

Nitong Biyernes, dumalo si Bea sa cast presentation para sa pinakabagong serye ng Star Creatives kung saan makakasama niya ang aktor na si Richard Gutierrez.

"Pinalaki ako ng ABS-CBN na professional, and we always have to show up regardless of what's happening in my life," aniya.

Nang matanong kung "okay" lang ba siya, tugon ng aktres: "I'm moving forward."

Ayon kay Bea, malaking tulong sa kanya ang suporta na natanggap niya mula sa kanyang mga kaibigan. 

"Malaking bagay na nandiyan 'yung mga kaibigan ko... Maraming nagki-care para sa akin. Actually nagugulat nga ako na marami ang nagpapadala ng bulaklak, marami ang nagti-text. Malaking bagay 'yon para sa akin," aniya.

Naging usap-usapan ang diumano'y hiwalayan nina Bea at nobyo nitong si Gerald Anderson na nag-ugat sa post ng aktres sa Instagram.

"You can't make the same mistake twice. The second time you make it, it's not a mistake anymore, it's a choice. ENOUGH," aniya.

Matapos nito, nagsimula ring mag-trending ang pangalan nina Gerald at co-star nito sa pelikulang "Between Maybes" na si Julia Barretto sa Twitter.

Sinasabi ng ilan na nakita ang dalawa na magkasamang dumalo sa isang party para sa aktor na si Rayver Cruz. 

Hindi pa nagsasalita sina Gerald at Julia tungkol sa isyu.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.