Bagong baby, hiling ng fans nina Cardo at Alyana

ABS-CBN News

Posted at Jul 26 2019 02:05 PM | Updated as of Jul 27 2019 07:56 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Hinihiling ngayon ng fans ng top-rating teleserye na "Ang Probinsyano" ang pagkakaroon ng bagong baby ng mga bidang karakter na sina Alyana (Yassi Pressman) at Cardo Dalisay (Coco Martin).

Sa isang panayam, sinabi ni Yassi na naririnig niya ang hiling na ito mula sa mga tagahanga.

Pero ayon sa aktres, mananatiling sorpresa ang mga susunod na eksena sa teleserye lalo't ngayon ay hindi rin nila mismo alam ang mangyayari sa kanilang mga karakter. 

Masaya si Yassi sa patuloy na suportang natatanggap ng "Ang Probinsyano," lalo na sa tambalang Alyana at Cardo.

Umagang Kay Ganda, Hulyo 26, 2019

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.