Yassi Pressman, tinuldukan na ang isyu sa kanila ni Julia Montes

ABS-CBN News

Posted at Jul 25 2019 04:33 PM | Updated as of Jul 25 2019 05:42 PM

Yassi Pressman at Julia Montes. Instagram: @yassipressman/@montesjulia08

MAYNILA -- Labis na pasasalamat ang ipinaabot ng Kapamilya star na si Yassi Pressman sa patuloy na suporta tuwing gabi para sa serye nilang "Ang Probinsyano."

Si Yassi ang gumaganap sa papel na Alyana Arevalo na misis ng papel ni Coco Martin na si Cardo Dalisay.

Dahil sa tila makatotohanang kuwento ng programa, ramdam ng aktres na apektado ang mga manonood sa love story nila ni Coco sa programa. 

"Feeling ko po nadadala po sila sa kuwento po namin, at masaya po kami kung 'yun ang nararamdaman nila at para po sa akin, that's a good thing," ani Yassi sa panayam ng entertainment press.

Dahil madalas na makasama si Coco sa programa, nahingan din ng reaksyon ang aktres sa isyu ng pagkakaugnay ng kanyang pangalan sa relasyon umano nina Coco at Julia Montes.

"Wala naman akong ikaka-guilty or kahit ano. So kapag meron akong naririnig na hindi naman totoo, okay lang," ani Yassi.

At nang tanungin naman kung apektado ba siya ng isyung panganganak umano ni Julia, "Pagdating po siguro doon, sila na lang po ang tanungin niyo, kasi hindi po ako kasali doon at wala po akong karapatan na magsalita for them," ani aktres.

Dito, hindi din naiwasan na kamustahin ang lagay ng kanyang puso ngayon.

"Ano lang ako, happy. Happy as a person, very busog sa lahat ng aspect, sa work, sa family as friends kaya wala po akong ibang hinahanap," tugon pa niya sa press.

"Siguro 'yung focus lang, for the family, for yourself, self-growth lang muna,” pahayag pa niya.

Sa ngayon, gabi-gabi pa din napapanood si Yassi sa "Ang Probinsyano."

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.