Julia Barretto, excited na sa paglipat sa kanyang bagong bahay

ABS-CBN News

Posted at Jul 25 2019 11:39 AM

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Julia Barretto (@juliabarretto) on

MANILA -- Sa kabila ng kontrobersiya, nagpapasalamat pa rin ang aktres na si Julia Barretto lalo't malapit na siyang lumipat sa kanyang bagong buhay.

Sa Instagram ng aktres nitong Miyerkoles, ibinahagi nito na excited na siyang lumipat sa ipinapatayong bahay at sa bagong responsibilidad at bagong kabanata ng kanyang buhay.

"Enjoying the last few weeks in my bed before I move into my own home... nervous about the big responsibility but I am ready and excited for this new chapter in my life. So thankful, so blessed," ani Julia sa caption.

Matatandaang taong 2017 noong unang ibahagi ni Marjorie Barretto na magpapatayo na ng sariling bahay ang kanyang anak na si Julia.

Maliban sa bagong bahay, handa na rin si Julia sa pagpasok sa kauna-unahan niyang business.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.