Bahay o negosyo? Kathryn Bernardo, may bagong pagkakaabalahan

ABS-CBN News

Posted at Jul 25 2019 12:04 PM | Updated as of Jul 25 2019 12:10 PM

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Min Bernardo (@bernardomin) on

MANILA -- Bagong bahay o bagong negosyo? 

Ito ang tanong ng mga tagahanga ni Kathryn Bernardo matapos mag-post ang kanyang ina na si Min Bernardo ng retrato ng isang property kung saan naroon din ang aktres at nobyo nitong si Daniel Padilla.

May caption ang post na "soon."

Sa ngayon ay abala si Kathryn sa kanyang pelikula na "Hello, Love, Goodbye" kung saan leading man niya si Alden Richards sa direksiyon ni Cathy Garcia-Molina.

Ipapalabas ang inaabangang pelikula mula sa Star Cinema ngayong Hulyo 31.

-- Umagang Kay Ganda, Hulyo 25, 2019

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.