John Lloyd, nagpapagawa ng bahay para sa kanila ni Ellen?

ABS-CBN News

Posted at Jul 25 2018 03:28 PM | Updated as of Jul 25 2018 04:40 PM

MANILA -- Nagpapagawa nga ba ng bahay si John Lloyd Cruz para sa kanila ng nobyang si Ellen Adarna?

Ito ang tanong ng ilang mga tagahanga ng aktor matapos siyang mag-post sa Instagram ng mga retrato nang hindi pa tapos na hagdanan at dingding.

 

A post shared by portal,library (@ekomsi) on

 

A post shared by portal,library (@ekomsi) on

Wala namang ibang detalye na ibinigay si John Lloyd tungkol sa mga retrato. 

Matatandaang kamakailan lang ay inamin ng abogado ni Ellen na nanganak na ang aktres.

Usap-usapan din ang lumabas na retrato ni John Lloyd sa internet kung saan 'di umano ay bumibili siya ng mga gamit pambata sa isang mall sa Cebu.
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.