PANOORIN: Coco at Yassi, may nakakilig na tagpo sa 'Ang Probinsyano'

ABS-CBN News

Posted at Jul 24 2020 12:06 PM

MAYNILA -- Nakakakilig ang tagpo sa sikat na serye ng ABS-CBN na "FPJ's Ang Probinsyano" nitong Huwebes nang nangako sa isa't isa ang mag-asawang sina Cardo Dalisay (Coco Martin) at Alyana (Yassi Pressman).

"Habang-buhay kitang mamahalin kasi nag-iisa ka lang sa puso ko," ani Alyana kay Cardo na iginiit din na nag-iisa lang ang asawa sa puso niya. 

Watch more in iWant or TFC.tv

Matatandaang nauna nang nagpakita ng agam-agam si Cardo nang hindi niya napigilang magtanong kay Alyana tungkol kay Lito Valmoria (Richard Gutierrez).

Si Lito ay ang dating kasintahan ni Alyana na matapos ang mahabang panahon ay umaasa pa ring magkakatuluyan sila ng dating nobya. 

Muling nagtagpo sina Alyana at Lito nang kinailangan muling magtago ng grupo nina Cardo sa probinsiya dahil sa tangkang pagpatay sa kanya at sa kanyang pamilya ng mga kalaban. 

Gamit naman ang hashtag #FPJAP4Karibal, ibinahagi ng mga manonood ang kanilang saloobin.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.