Michael V, may update matapos magpositibo sa coronavirus

ABS-CBN News

Posted at Jul 24 2020 01:35 PM

MAYNILA -- Nagbigay ng update ang komedyanteng si Michael V tungkol sa kanyang kalayan matapos na mag-positibo siya sa coronavirus.

Sa isang Instagram post nitong Biyernes, sinabi ni Michael V, o kilala rin sa tawag na Bitoy, na sumailalim siya sa X-ray nitong Huwebes para malaman kung mayroon siyang pulmonya o pneumonia.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Michael V. 🇵🇭 (@michaelbitoy) on

"Sa mga concerned, nagpa-X-ray ako kahapon para masiguro kung meron akong pneumonia. Medyo mabilis kasi akong mapagod. May nakita silang pwedeng 'pagmulan' ng pneumonia pero hindi naman daw kailangang magpa-ospital. Niresetahan nila ako ng antibiotics at sinabihang sa bahay na lang ituloy ang pagpapagaling. Naka-self quarantine pa rin po ako para sa safety ng lahat ng nasa paligid ko," ani Michael V.

Nagpasalamat din si Michael V sa patuloy na nagdarasal para sa kaligtasan niya at ng kanyang pamilya. 

"Gusto ko ring paalalahanan ang lahat na mag-ingat para wala kayong pagsisihan sa huli. Maging responsable at gawin ang lahat ng makakaya para hindi kayo mahawa o makahawa. Laging maging malinis sa paligid at pangangatawan. At lagi ring magsuot ng mask at PPE. Stay home everyone and stay safe," ani Michael V.

Matatandaang nito lamang Lunes, Hulyo 20, sa pamamagitan ng kanyang vlog ay ipinaalam ni Michael V sa publiko na nagpositibo siya sa coronavirus.

Aniya, nakaranas siya ng sintomas ng virus noong Hulyo 11 at nakumpirma ito nang sumailalim siya sa swab test.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.