'You Do Note' girl, nakaharap si 'Kristoff' ng 'Kadenang Ginto'

ABS-CBN News

Posted at Jul 24 2019 11:57 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Nakaharap na sa wakas ng tinaguriang "You Do Note" girl ang isa sa mga bida ng "Kadenang Ginto."

Kilala si "You Do Note" girl sa viral nitong video kung saan kita ang kanyang bigay na bigay na panggagaya sa mga eksena ng "Kadenang Ginto" na pinagbibidahan nina Beauty Gonzalez, Dimples Romana, Andrea Brillantes, Francine Diaz, Seth Fedelin at Kyle Echarri.

Kamakailan lang ay lumabas ang retrato ni Kyle na gumaganap bilang si Kristoff Tejada kasama si "You Do Note" girl.

Maliban sa naging pagkikita nila ni Kyle, hiling din ng ibang netizens na makita si "You Do Note" girl sa serye.

Mapapanood ang "Kadenang Ginto" mula Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng "It's Showtime."

-- Umagang Kay Ganda, Hulyo 24, 2019

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.