Kathryn Bernardo, game din makasama si Nadine Lustre sa proyekto

ABS-CBN News

Posted at Jul 24 2019 05:48 PM

MAYNILA -- Matapos magpahayag si Nadine Lustre na payag siyang makasama sa isang proyekto si Kathryn Bernardo, game din ang naging tugon ng "Hello, Love, Goodbye" star.

"Game ako, basta may magandang materyal, okay sa VIVA Artist (Agency), okay sa Star Magic. Kasi may mga proseso 'yan, hindi naman porke't gusto natin, pwede na agad," sabi ni Kathryn sa panayam ng ABS-CBN News at ilang entertainement press nitong Miyerkoles.

"Pero kung ako personally, basta may magandang materyal, yes!" dagdag ni Kathryn.

Paliwanag ng aktres, hindi malabo na mangyari ito "kasi ito ngang kay Alden (Richards), nagawan naman natin ng paraaan. What more ito na, pareho kaming nasa ABS-CBN? Sabi ko nga, hello to opportunity this year, so yeah I'm open naman," aniya.

Binigyang linaw din ni Kathryn na walang kompetisyon sa kanila ni Nadine. Kasunod ito nang tila paligsahan ng dalawa sa pagsungkit ng Best Actress awards sa iba't ibang award-giving bodies ngayong taon.

"Happy ako na nakuha niya 'yung best actress, happy din ako sa nangyari sa akin. Ang mga fans lang naman ang gumagawa ng ganyang issue, pero personally sa amin dalawa, hindi kami nagkakasama off-cam, pero okay kami," paliwang ni Kathryn.

Naniniwala din ang aktres na magkaiba sila ng kayang ibigay sa kanilang mga fans.

"Naniniwala ako na magka-iba kasi kami ni Nadine. Mayroon kaming uniqueness in our own ways, mayroon siyang strengths, meron din ako, so iba. Singer siya, hindi naman ako singer, alam mo? Magkaiba po kami," sabi pa ng aktres.

Sa ngayon, abala si Kathryn sa patuloy na pag-promote ng "Hello, Love, Goodbye" kasama si Alden.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.