Kathryn at Alden, goodbye na sa mga 'nega'

ABS-CBN News

Posted at Jul 24 2019 11:34 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Sa pagpapatuloy ng "Hello or Goodbye" challenge ng "Umagang Kay Ganda" na ipinalabas ngayong Miyerkoles, ibinahagi nina Kathryn Bernardo at Alden Richards ang mga bagay na nais nilang gawin at saka iwanan sa kanilang buhay.

"This year sabi ko self-love and about second chances ako this year. Sa friends and everyone and nagawa ko siya, nagagawa ko siya this year and mas magaan sa pakiramdam," ani Kathryn na bida ng pelikulang "Hello, Love, Goodbye" ng Star Cinema kasama si Alden.

"So, hello to second chances and goodbye sa negativity and insecurities," dagdag ng aktres.

Para naman kay Alden, ang maging bukas sa mas marami pang oportunidad ang nais niyang bigyang pansin.

"Ako based on experience with the whole movie and happenings on and off cam, I would like to say na parang hello to possibilities and more collaboration with the different aspects of the industry," ani Alden.

"At goodbye siguro, same with Kath, (goodbye) sa negativity, sa mga hindi magagandang energy. Kasi 'yun po talaga ang sumisira sa mga relationship," dagdag ng aktor.

Sa direksiyon ni Cathy Garcia-Molina, mapapanood na ang "Hello, Love, Goodbye" simula Hulyo 31.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.