Daniel Padilla, producer na ng music video

ABS-CBN News

Posted at Jul 24 2019 12:37 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Maliban sa pagiging aktor, isa na ngayong prodyuser si Daniel Padilla.

Sa unang pagkakataon ay pinamahalaan ni Daniel ang pangkalahatang produksiyon ng unang music video ng Jose Carlito Band para sa awitin nilang "Big White Wall."

Si Jose Carlito ang nakababatang kapatid ni Daniel.

Sa "Magandang Buhay" nitong Miyerkoles, ibinahagi naman ng kanilang inang si Karla Estrada ang kasiyahan sa bago nilang proyekto.

"Dito sa ginawa niyang music video ng kanyang kapatid, 'yung pangalawa kong anak na si Jose Carlito, siya ang producer nito at kasama siya sa (miyembro) ng creative team. Hands-on siya, kasama siya sa buong shooting ng bagong music video ng aking anak na tunay ding mang-aawit, nagsusulat, nagko-compose. Abangan niyo malapit na malapit na. Congratulations, DJ anak at sa isa ko pang anak na si Jose Carlito," ani Karla.
 
Ayon pa kay Karla, maliban sa pagiging producer, pangarap din ni Daniel na pasukin ang pagdidirehe.

"Eventually pangarap talaga ni Daniel na mag-direktor. So mapapanood natin eventually ang kanyang mga obra," dagdag ni Karla.

Ilalabas ang music video ng Jose Carlito Band ngayong Agosto sa ilalim ng Star Music.