Carlo Aquino at Maine Mendoza, nagsimula nang mag-workshop para sa pelikula

ABS-CBN News

Posted at Jul 24 2019 11:52 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Pinagkaguluhan si Carlo Aquino sa isang personal appearance nitong weekend.

Walang kupas ang suporta ng mga tagahanga kay Carlo na nagbigay update sa kanyang bagong pelikula na "Isa Pa With Feelings" kasama si Maine Mendoza na unang beses niyang makakatrabaho.

"Nagwo-workshop na kami. May mga sorpresa kaming inihahanda para sa inyong lahat, para doon sa movie. At saka mag-start kami first day, next week or next, next week," ani Carlo.

Aminado si Carlo na nagkaroon ng ilangan sa pagitan nila ni Maine sa mga unang araw ng pagsasama. Pero ngayon nagagamay na nila ang isa't isa.

"Sobrang fun. Although nung first few days namin, noong press con, pagkatapos ng press con, nag-meet ulit kami, medyo may awkwardness. Pero naman sobra siyang kasama at very accomodating," ani Carlo.

Inaasahan na mapapanood ang pelikula nina Carlo at Maine ngayong 2019 sa direksyon ni Prime Cruz.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.