Arci at JC, bibida sa isang mapusok na pelikula

Jeff Fernando, ABS-CBN News

Posted at Jul 24 2019 12:32 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Isa sa kontrobersiyal na pelikulang aabangan sa 2019 Pista ng Pelikulang Pilipino ang "Open," kung saan bida sa kanilang pinaka-daring na pagganap sina Arci Muñoz at JC Santos.

Kuwento ni Arci, hindi niya inaasahan ang matapang nilang tema.
 
"Ako nga na shock eh! Sabi ko nga kay direk Andoy (Ranay), 'Direk, papatayin ako ng nanay ko.' 'Mama, huwag ka manood, mama,'" ani Arci.
 
Kuwento ng open relationship na nauuso ngayon sa kabataan ang iikutan ng pelikulang "Open" at hanga si Arci sa prangka na pagkakakuwento sa kanilang nabuong pelikula.
 
"Direk, one to 10 gaano raw ako ka-daring dito?" tanong ni Arci sa kaniyang direktor na sumagot naman ng "11."

"Eleven. Patay ako sa nanay ko," hirit ulit ni Arci.

Matagal nang natapos nina Arci at JC ang "Open" at inakala nila na hindi na ito maipapalabas.

"I'm happy, finally. Tapos kasama pa sa Pista ng Pelikulang Pilipino, hindi ko talaga ini-expect 'yon," ani Arci.
 
Kasama ang iba pang entries ng 2019 PPP, ipapalabas ang "Open" sa Setyembre 13-19.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.