Angel Locsin at ibang artista, nagbigay-suporta kay Bea Alonzo

ABS-CBN News

Posted at Jul 24 2019 04:50 PM | Updated as of Jul 24 2019 09:38 PM

MANILA -- Kasabay ng pinagdadaanan sa kanyang buhay pag-ibig, nakakuha ng suporta si Bea Alonzo mula kay Angel Locsin at sa iba pa niyang kaibigan sa industriya.

Kasama si Bea sa isang hapunan matapos ang naganap na ABS-CBN trade event nitong Martes.

Kita sa Instagram story ni Angel si Bea pati na rin sina Janus del Prado, Angelica Panganiban, Paulo Avelino, Bela Padilla, Ejay Falcon, JC De Vera, at Dreamscape Entertainment head na si Deo Endrinal.

Meron itong kasamang hashtag na #ParaKayB.

Isang Instagram post din ang ibinahagi ni Janus na may caption na: "Malaki lang katawan mo, pero di mo ako kayang patumbahin."

Ang nasabing linya ay galing sa pelikulang "One More Chance" na pinagbibidahan nina Bea at John Lloyd Cruz, at kasama rin dito si Janus. 
 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Janus Del Prado (@janusdelprado) on

Matatandaan na kamakailan lang ay pinag-usapan ang naging social media post ni Bea na tila patungkol sa kanyang relasyon kay Gerald Anderson. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.