Alden Richards, pangarap makasama si Bea Alonzo sa isang proyekto

ABS-CBN News

Posted at Jul 24 2019 05:02 PM

Alden Richards at Bea Alonzo. Instagram: @aldenrichards02 at @beaalonzo]

MANILA -- Umaasa si Alden Richards na hindi magtatapos sa "Hello, Love, Goodbye" ang magandang pagsasama na kanyang nabuo sa Kapamilya network.

Kasunod ito ng kanyang pagtawid sa ABS-CBN para maging kapareha sa pelikula si Kathryn Bernardo.

Watch more in iWant or TFC.tv

"I hope this will be the start of something new. Hindi lang sa amin ni Kath, but in the future [para sa kung sino ang] gustong mag-collaborate. I mean, kahit na you're from different networks, it's possible talaga. Hindi lang sa movies, madami pang possibilities for better content," aniya.

Dahil sa magandang oportunidad na ito para kay Alden, inamin ng aktor na marami pa siyang pangarap na makasama na Kapamilya star sa proyekto.

Ngunit kung papipiliin lang siya ng isa, nais niyang makapareha ang aktres na si Bea Alonzo.

"Marami e! One lang? Bea Alonzo!" pag-amin niya.

Kuwento ni Alden, nasabi na niya ito nang personal kay Bea nang minsan silang magkita.

"Kasi nag-meet kami before sa airport on our way sa Sinulog festival, last year ata 'yun. Tapos nagkamustahan, kasi the last time we saw each other ay sa party noong stylist namin kasama si Idan (John Lloyd Cruz)," aniya.

"So 'yun, sabi ko sana magkaroon ng chance na maka-work ko siya in a movie or in [any] project. We'll see," dagdag niya. 

Sa ngayon, abala si Alden kasama si Kathryn sa pag-promote ng "Hello, Love, Goodbye" na mapapanood simula July 31.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.