PatrolPH

TINGNAN: Bea, Alessandra sa premiere ng 'Kusina Kings' nina Zanjoe, Empoy

ABS-CBN News

Posted at Jul 24 2018 08:10 PM

MAYNILA — Naging maningning ang premiere ng "Kusina Kings" nitong gabi ng Martes sa Mandaluyong City dahil sa pagdalo hindi lamang ng mismong cast ng pelikula, kundi ng iba pang sikat na artista.

Bida sa pelikula sina Zanjoe Marudo at Empoy Marquez, kasama sina Ryan Bang, Jun Sabayton, Maxine Medina, Hyubs Azarcon at Nathalie Hart.

Dumalo rin sa premiere ang dating nobya ni Marudo na si Bea Alonzo at ang katambal ni Marquez sa "Kita Kita" na si Alessandra De Rossi.

Nakiisa rin sa premiere sina Pokwang, Ritz Azul, Smokey Manaloto, Janus Del Prado, Moi Bien, Jobert Austria, at Ariella Arida.

Sa panayam ng ABS-CBN News sa direktor na si Victor Villanueva, ibinahagi nito ang masayang karanasan sa pag-shoot ng pelikula kasama sina Marquez at Marudo.

Watch more on iWant or iWantTFC

"The experience was really fun kasi 'di sila mahirap i-direct, marami silang na-contribute sa gags, comedy. Natural iyong chemistry ng 'Zempoy,'" ani Villanueva.

Susundan ng "Kusina Kings" ang kuwento ng dalawang magkaibigang sasali sa "Kusina King Challenge" para maisalba ang kanilang restoran.

Ipalalabas ang "Kusina Kings" sa mga sinehan simula Miyerkoles.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.